Thursday, August 22, 2013

Huwag Ka Lang Mawawala


August 22, 2013 11:15PM

Matagal kong pinag-isipan kung iba-blog ko nga ba ito o hindi pero eto na… out of emotions. :) Souvenir ko na rin sa pagsubaybay ko sa isa sa pinaka matinding teleseryeng nagawa ng ABS-CBN.

Against All Odds” pa ang title ng teleseryeng ‘to , sobrang excited na kami. Paano ba naman? Bukod sa fan po ako ni KC Concepcion eh Ms. Judy Ann Santos ang kasama nya dito. Dagdagan pa ng Sam Milby, Mr. Tirso Cruz III, Ms. Coney Reyes, John Estrada, Mylene Dizon, Matet De Leon, at Ms. Susan Africa. Kasama pa sina Joseph Marco, Empress, at Bryan Termulo.

Hanggang sa napalitan na ang title ng “Huwag Ka Lang Mawawala” at noong nailabas na yung sneak peek mula sa trade launch nung May 2013, nagkagulo lahat especially sa Twitter. Parang bombang sumabog dahil ibang KC at Sam ang nandun. Sila yung pinaka ikinagulat ng lahat! “Shocks” “OMG” “Waaaaaah” “Shet” yata ang madalas kong masabi nun. Honestly, naiyak ako sa tuwa at pagka-proud kay KC (teaser palang yun ha!) XD

Ilan lang po ito sa napakarami kong tweets (hehehe):
@kc_concepcion Sheeeeeeesh! Just saw ur sneak peek. Teary-eyed ako, promise!!!! Waaaaa! @samuelmilby #HuwagKaLangMawawala

Naiiyak ako habang pinapanood ko yung trailer. Sobra! Grabehan! Ibang role. OMG!!! Nakakaproud ka, @kc_concepcion! #HKLM

@samuelmilby @kc_concepcion @ConeyReyes @tirsocruziii #HuwagKaLangMawawala INTENSE!!!! Exciting! Pasabog! Grabehan!

@vhelly gusto ko yung elevator scene!!! hihihihihi. @kc_concepcion @samuelmilby

Gusto na kitang makita at mayakap ng sobraaaaaaaaaaang higpit! Bonggang bonggang excitement!! 10/20 OVER! :* @kc_concepcion

Inuulit ulit ko nanaman ang trailer!!!!!!!!!! Clap Clap! Standing Ovation! Tumbling! Split! Taas pompoms!!! @kc_concepcion

@kc_concepcion nasabi ko na bang sobrang excited na ako sa #HuwagKaLangMawawala? Hahahahaha. Gosh!

OMG!! @kc_concepcion @samuelmilby "@ABSCBN_HKLM #HuwagKaLangMawawala will begin airing on the 17th of June 2013"

Gumising kayo, mga kapitbahaaaaaaaaaaay!!! Big news! Malapit na ang #HKLM!!! *hysterical* hahahaha @kc_concepcion @Kookiberks

Suportahan po natin ang #HuwagKaLangMawawala katulad ng pagsuporta sa mga bigating teleserye ng @ABSCBNChannel2 @ABSCBNKapamilya!

Kahit sa Wednesday ka pa makikita, sobrang naeexcite na talaga ako!!!! hysterical na talaga! HAHA @kc_concepcion #HuwagKaLangMawawala

@kc_concepcion Napaiyak mo ko dun!! Unang iyak ko for #HuwagKaLangMawawala! I love you, Alexis!!

Iyak ako nang iyak. Ang sakiiiit! We hate you, Eros! :'( Alexis!! </3 @kc_concepcion #HuwagKaLangMawawala

Si Alexis ang kontrabidang maraming kakampi! Wahahaha. Suportado ka namin all the way! #TeamAlexis @kc_concepcion

Oh my God, last episode na bukas! </3 Wala pong iwanan! Walang mawawala! #HuwagKaLangMawawala @kc_concepcion @samuelmilby @OfficialJuday


Nagsimula nga po noong June 2013. Sobrang saya dahil may teleserye habit nanaman ang karamihan sa amin. Hinding-hindi kami binigo ng Huwag Ka Lang Mawawala. Simula nung unang episode, NGANGA na! Palaban ang mga linyahan, tatatak din talaga! May ilang eksena pa na nakakapanlaki na ng mata, nakakapanglaglag-panga, ang lakas makapang-mura, lakas makapagpakabog ng dibdib, yung tipong hindi na makahinga at hindi na po kami makapagtweet sa sobrang tindi. Seryoso. Hahaha! OA siguro na mga reaksyon yun pero nangyari sa totoong buhay e. Nangyari sa iba, nangyari sa’kin.

As of this writing (typing), may last episode pa bukas na hindi ko talaga alam kung paano matatapos. Pero sigurado akong magmamarka ‘to sa puso’t isipan ng lahat ng mga nakasubaybay dito. :)

Ang teleseryeng ipinaglalaban lahat. Pagsasakripsyo para sa pamilya, para sa mga minamahal. Nagpakita na kahit kailan ang mali ay mali. At kapag tinapak-tapakan ka, bumangon ka! Eto yung kapag pinanood mo, maraming realizations sa buhay. Malalaman at maiisip mo kung ano dapat ang limitasyon ng bawat tao, kung kailan ka dapat lumaban.

Bomba after bomba lang itong pasabog ng Huwag Ka Lang Mawawala eh. Matapos ang matagumpay na launch, consistent na high ratings, magagandang feedback from viewers, eto at mawawala na agad. Ininda talaga naming mga manonood yung maagang pagtatapos dahil sa bukod na sobrang maganda at de-kalidad ang serye, alam naming ilang buwan pinaghirapan at minahal ng bawat taong bumuo nito ang kanilang trabaho. Dapat talaga ang ganitong produkto, pinatatagal. Don’t get me wrong, sang-ayon din naman kami sa desisyon ni Ms. Juday na tapusin agad kesa nga naman ilipat nanaman ng timeslot. Tama sya, ang ganitong uri ng programa ay dapat napapanood ng mas maraming tao. Nakakalungkot na nga na nailipat sa 3rd timeslot pero ang paglipat pa ulit sa 4th timeslot, sobra na yun. Magtatapos na lahat tayo ay TAAS NOO, totoo.

Ms. Juday, maraming salamat po sa tiwalang ibinigay nyo kay KC, pati na rin po kay Sam. Marami silang napatunayan at alam naming dahil dun ay mabibigyan sila ng maraming opportunities pa na gumanap sa mas matitinding role.

Isa lang po ako sa napakaraming Kapamilya na proud na proud na naging bahagi kami ng Huwag Ka Lang Mawawala. Mula sa aking puso, mahal ko po kayo. Proud akong sabihin na isa ako sa pinaka passionate na viewer nyo. Haha! Sobrang dami ko pang gustong sabihin. Aaarrrrgghhh, basta! Maraming salamat dahil binigyan nyo kami ng pagkakataong masaksihan kung gaano kayo kahuhusay. To Dreamscape, HKLM directors, writers, producers, casts, crew, at sa lahat po…SALUDO! <3 :)

 ~Anessa, Eros, Alexis, Romulus, Helena, Demetria, Nancy, Leandros, Iris, Alejo, Athena, Victor. Emman/JR & Peter~

photo credit to pep.ph

photo credit to abs-cbnnews.com

Judy Ann Santos, Sam Milby, KC Concepcion, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Susan Africa, Matet De Leon, Joseph Marco, Empress, Bryan Termulo, Miguel Vergara, Marco Masa, Johnny Revilla, Cheska IƱigo, Bing Davao, Ogie Diaz, Gretchen Barretto, Amalia Fuentes


Saturday, April 6, 2013

Birthday greetings for KC Concepcion (04-07-13)

Since wala pa akong maisip na gift para kay Kace, eto ang naisipan kong gawin. Saktong may concert ang X Factor PH loves nya kaya nilubos-lubos ko na! Excited na excited akong gawin 'to!

First greeting was from Kuya Neo of Take Off. Sobrang nakakahiya! Nakaupo na sya when I approached him. I'm preparing the digicam kaso na-realize kong ang dilim nga pala. Sya pa nag-suggest na doon kami sa harap ng CR para may liwanag. HAHAHAHA. Sobrang thank you, Kuya, ang kapal ng mukha ko! LOL

Next kong nakitang free si Jeric, pinuntahan ko agad then nag-greet na rin sya. Naalala ko lang yung sinabi nyang, "Wow. KC Concepcion" hehe. Thank you!

Gab naman! Sabi ko, "Gab pa-greet naman si ate KC nyo, birthday nya sa Sunday" Sabi nya, "Ayoko nga." Hahaha. Loko! Sabi pa nga pala nya na sana raw maging classmates sila ni Kace sa workshop! (Sorry, naputol na yung video nun e. hehe.) Thank you, Gab!

While waiting for Kedebon naman na busy sa pakikipagkwentuhan, Daddy's Home naman ang nilapitan ko. Sabi naman nila, "Uy kay KC, kay KC!" Hehe. Nakakatuwa sila. Thank you po!

At ayun, naistorbo ko rin si Kedebon. Wala raw syang maisip dahil si Kace ang nasa isip nya. Haha. Nice one! Thank you! :P

Last sina KZ at Allen na excited din na mag-greet para sa ate KC nila. Sweet nila.Sabi pa nga ni Allen, "Sige sige!!!" Thank you, girls!

Mahal na mahal nyo si KC kaya mahal na mahal ko rin kayo e!
Eto naaaaaaaaaa! #happybdayKCConcepcion