Saturday, April 6, 2013

Birthday greetings for KC Concepcion (04-07-13)

Since wala pa akong maisip na gift para kay Kace, eto ang naisipan kong gawin. Saktong may concert ang X Factor PH loves nya kaya nilubos-lubos ko na! Excited na excited akong gawin 'to!

First greeting was from Kuya Neo of Take Off. Sobrang nakakahiya! Nakaupo na sya when I approached him. I'm preparing the digicam kaso na-realize kong ang dilim nga pala. Sya pa nag-suggest na doon kami sa harap ng CR para may liwanag. HAHAHAHA. Sobrang thank you, Kuya, ang kapal ng mukha ko! LOL

Next kong nakitang free si Jeric, pinuntahan ko agad then nag-greet na rin sya. Naalala ko lang yung sinabi nyang, "Wow. KC Concepcion" hehe. Thank you!

Gab naman! Sabi ko, "Gab pa-greet naman si ate KC nyo, birthday nya sa Sunday" Sabi nya, "Ayoko nga." Hahaha. Loko! Sabi pa nga pala nya na sana raw maging classmates sila ni Kace sa workshop! (Sorry, naputol na yung video nun e. hehe.) Thank you, Gab!

While waiting for Kedebon naman na busy sa pakikipagkwentuhan, Daddy's Home naman ang nilapitan ko. Sabi naman nila, "Uy kay KC, kay KC!" Hehe. Nakakatuwa sila. Thank you po!

At ayun, naistorbo ko rin si Kedebon. Wala raw syang maisip dahil si Kace ang nasa isip nya. Haha. Nice one! Thank you! :P

Last sina KZ at Allen na excited din na mag-greet para sa ate KC nila. Sweet nila.Sabi pa nga ni Allen, "Sige sige!!!" Thank you, girls!

Mahal na mahal nyo si KC kaya mahal na mahal ko rin kayo e!
Eto naaaaaaaaaa! #happybdayKCConcepcion


No comments:

Post a Comment