August 22, 2013 11:15PM
Matagal kong pinag-isipan kung iba-blog ko nga ba ito o
hindi pero eto na… out of emotions. :) Souvenir ko na rin sa pagsubaybay ko sa isa sa pinaka matinding teleseryeng
nagawa ng ABS-CBN.
“Against All Odds” pa ang title ng teleseryeng ‘to , sobrang
excited na kami. Paano ba naman? Bukod sa fan po ako ni KC Concepcion eh Ms.
Judy Ann Santos ang kasama nya dito. Dagdagan pa ng Sam Milby, Mr. Tirso Cruz
III, Ms. Coney Reyes, John Estrada, Mylene Dizon, Matet De Leon, at Ms. Susan
Africa. Kasama pa sina Joseph Marco, Empress, at Bryan Termulo.
Hanggang sa napalitan na ang title ng “Huwag Ka Lang
Mawawala” at noong nailabas na yung sneak peek mula sa trade launch nung May
2013, nagkagulo lahat especially sa Twitter. Parang bombang sumabog dahil ibang
KC at Sam ang nandun. Sila yung pinaka ikinagulat ng lahat! “Shocks” “OMG” “Waaaaaah”
“Shet” yata ang madalas kong masabi nun. Honestly, naiyak ako sa tuwa at
pagka-proud kay KC (teaser palang yun ha!) XD
Ilan lang po ito sa napakarami kong tweets (hehehe):
@kc_concepcion Sheeeeeeesh! Just saw ur sneak peek.
Teary-eyed ako, promise!!!! Waaaaa! @samuelmilby #HuwagKaLangMawawala
Naiiyak ako habang pinapanood ko yung trailer. Sobra!
Grabehan! Ibang role. OMG!!! Nakakaproud ka, @kc_concepcion! #HKLM
@samuelmilby @kc_concepcion @ConeyReyes @tirsocruziii
#HuwagKaLangMawawala INTENSE!!!! Exciting! Pasabog! Grabehan!
@vhelly gusto ko yung elevator scene!!! hihihihihi.
@kc_concepcion @samuelmilby
Gusto na kitang makita at mayakap ng sobraaaaaaaaaaang
higpit! Bonggang bonggang excitement!! 10/20 OVER! :* @kc_concepcion
Inuulit ulit ko nanaman ang trailer!!!!!!!!!! Clap Clap! Standing
Ovation! Tumbling! Split! Taas pompoms!!! @kc_concepcion
@kc_concepcion nasabi ko na bang sobrang excited na ako sa
#HuwagKaLangMawawala? Hahahahaha. Gosh!
OMG!! @kc_concepcion @samuelmilby "@ABSCBN_HKLM
#HuwagKaLangMawawala will begin airing on the 17th of June 2013"
Gumising kayo, mga kapitbahaaaaaaaaaaay!!! Big news! Malapit
na ang #HKLM!!! *hysterical* hahahaha @kc_concepcion @Kookiberks
Suportahan po natin ang #HuwagKaLangMawawala katulad ng
pagsuporta sa mga bigating teleserye ng @ABSCBNChannel2 @ABSCBNKapamilya!
Kahit sa Wednesday ka pa makikita, sobrang naeexcite na
talaga ako!!!! hysterical na talaga! HAHA @kc_concepcion
#HuwagKaLangMawawala
@kc_concepcion Napaiyak mo ko dun!! Unang iyak ko for
#HuwagKaLangMawawala! I love you, Alexis!!
Iyak ako nang iyak. Ang sakiiiit! We hate you, Eros! :'(
Alexis!! </3 @kc_concepcion #HuwagKaLangMawawala
Si Alexis ang kontrabidang maraming kakampi! Wahahaha.
Suportado ka namin all the way! #TeamAlexis @kc_concepcion
Oh my God, last episode na bukas! </3
Wala pong iwanan! Walang mawawala! #HuwagKaLangMawawala @kc_concepcion @samuelmilby @OfficialJuday
Nagsimula nga po noong June 2013. Sobrang saya dahil may
teleserye habit nanaman ang karamihan sa amin. Hinding-hindi kami binigo ng
Huwag Ka Lang Mawawala. Simula nung unang episode, NGANGA na! Palaban ang mga
linyahan, tatatak din talaga! May ilang eksena pa na nakakapanlaki na ng mata,
nakakapanglaglag-panga, ang lakas makapang-mura, lakas makapagpakabog ng
dibdib, yung tipong hindi na makahinga at hindi na po kami makapagtweet sa
sobrang tindi. Seryoso. Hahaha! OA siguro na mga reaksyon yun pero nangyari sa
totoong buhay e. Nangyari sa iba, nangyari sa’kin.
As of this writing (typing), may last episode pa bukas na
hindi ko talaga alam kung paano matatapos. Pero sigurado akong magmamarka ‘to
sa puso’t isipan ng lahat ng mga nakasubaybay dito. :)
Ang teleseryeng ipinaglalaban lahat. Pagsasakripsyo para sa
pamilya, para sa mga minamahal. Nagpakita na kahit kailan ang mali ay mali. At kapag
tinapak-tapakan ka, bumangon ka! Eto yung kapag pinanood mo, maraming
realizations sa buhay. Malalaman at maiisip mo kung ano dapat ang limitasyon ng
bawat tao, kung kailan ka dapat lumaban.
Bomba after bomba lang itong pasabog ng Huwag Ka Lang
Mawawala eh. Matapos ang matagumpay na launch, consistent na high ratings,
magagandang feedback from viewers, eto at mawawala na agad. Ininda talaga
naming mga manonood yung maagang pagtatapos dahil sa bukod na sobrang maganda
at de-kalidad ang serye, alam naming ilang buwan pinaghirapan at minahal ng
bawat taong bumuo nito ang kanilang trabaho. Dapat talaga ang ganitong
produkto, pinatatagal. Don’t get me wrong, sang-ayon din naman kami sa desisyon
ni Ms. Juday na tapusin agad kesa nga naman ilipat nanaman ng timeslot. Tama sya, ang
ganitong uri ng programa ay dapat napapanood ng mas maraming tao. Nakakalungkot
na nga na nailipat sa 3rd timeslot pero ang paglipat pa ulit sa 4th
timeslot, sobra na yun. Magtatapos na lahat tayo ay TAAS NOO, totoo.
Ms. Juday, maraming salamat po sa tiwalang ibinigay nyo kay
KC, pati na rin po kay Sam. Marami silang napatunayan at alam naming dahil dun
ay mabibigyan sila ng maraming opportunities pa na gumanap sa mas matitinding
role.
Isa lang po ako sa napakaraming Kapamilya na proud na proud
na naging bahagi kami ng Huwag Ka Lang Mawawala. Mula sa aking puso, mahal ko
po kayo. Proud akong sabihin na isa ako sa pinaka passionate na viewer nyo. Haha!
Sobrang dami ko pang gustong sabihin. Aaarrrrgghhh, basta! Maraming salamat
dahil binigyan nyo kami ng pagkakataong masaksihan kung gaano kayo kahuhusay.
To Dreamscape, HKLM directors, writers, producers, casts, crew, at sa lahat po…SALUDO!
<3 :)
~Anessa,
Eros, Alexis, Romulus, Helena, Demetria, Nancy, Leandros, Iris, Alejo, Athena,
Victor. Emman/JR & Peter~
photo credit to pep.ph
photo credit to abs-cbnnews.com
Judy Ann Santos, Sam Milby, KC Concepcion, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Susan Africa, Matet De Leon, Joseph Marco, Empress, Bryan Termulo, Miguel Vergara, Marco Masa, Johnny Revilla, Cheska Iñigo, Bing Davao, Ogie Diaz, Gretchen Barretto, Amalia Fuentes
Judy Ann Santos, Sam Milby, KC Concepcion, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Susan Africa, Matet De Leon, Joseph Marco, Empress, Bryan Termulo, Miguel Vergara, Marco Masa, Johnny Revilla, Cheska Iñigo, Bing Davao, Ogie Diaz, Gretchen Barretto, Amalia Fuentes
No comments:
Post a Comment