February 6, 2014
10:08AM
Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ito. Basta alam
ko lang na gusto kong maisulat (mai-type) lahat lahat.
Sa totoo lang, hiyang-hiya ako kay Lord sa mga
nararamdaman ko lately. Parang hindi ako makuntento sa mga naibibigay nya
sa’kin. Pero alam kong naiintindihan Nyang hindi yun, alam kong alam Nya lahat.
Okay na sa’kin yun. Naguguluhan lang talaga ako sa sarili ko at siguro minsan
naguguluhan din Sya.
Ayaw ko na rin talaga laging magpost sa Facebook at
Twitter dahil nahihiya na rin ako sa followers pero hindi ko maiwasan, outlet
ko talaga e. Ako kasi yung taong hindi nakakapagsabi ng problema sa personal. Nagagawa
kong magkwento through chat siguro pero hindi ako yun sa totoong buhay. Ako
yung mas gusto kong manahimik nalang at dalhin ko lahat mag-isa. Yung nakikita
at nababasa ng mga tao sa social media, maliit lang na parte yun sa kung ano
ako. Yun yung parteng matapang, nagtatapang-tapangan. Nagtataka siguro yung iba
kasi hindi naman nahahalatang may mga itinatago akong ganito kasi kapag sa
labas at maraming tao, iba ako. Hindi yun sa pagkukunwari. Naiiba lang talaga
ako kapag may mga kasama dahil nararamdaman kong masaya, hindi ako nag-iisa.
Madalas lang talagang mangyari na kapag uuwi na ako at nakakulong na sa kwarto mag-isa,
dun bumabalik lahat ng kalungkutan. Nagpapakita ako ng emosyon depende sa bawat
sitwasyon. At kapag tapos na akong matuwa sa sitwasyon na yun, babalik nanaman
ako sa totoong nararamdaman ko. Ako rin yung taong mas marunong making kesa sa
magsalita. At madali akong maapektuhan sa halos lahat ng bagay kaya napakahirap
para sakin. Pabigat nang pabigat ang dinadala ko…
Nagsimula siguro ito nung nagmahal ako sa wala. Ilang
taon nagpakatanga sa taong hindi naman tunay na nage-exist. Ganun lang ako e,
napakadali ko magtiwala. Napakadaling magmahal. At kapag natapos na lahat at
nalaman na nagkalokohan lang pala, bumababa ang pagtingin ko sa sarili ko.
Madalas kong maisip kung ano bang meron o wala sa’kin at kayang-kaya akong
lokohin ng mga tao. Kung ganun lang ba ako ka-walang kwenta para palitan at
paglaruan. Hindi ko alam… hindi ko mahanap ang sagot.
Madalas ko rin maramdaman na nag-iisa ako at walang
pakialam sa’kin ang mga tao. Matagal ko nang iniinda yung dapat ako nalang ang lagging
mauna, dapat ako lagi ang mangumusta. No offense sa mga taong laging nandyan
pero sana alam nyo kung gaano ko kayo pinapahalagahan.
Akala rin siguro ng iba na desperado ako sa lalake, na
atat na atat ako magka-boyfriend. Here’s the true story… Hindi yun ganun. Gusto
ko lang talaga siguro maramdaman na may taong makakakita na worth it naman ako,
na deserve naman nya ako. Appreciation, validation, confirmation, o assurance
man ang itawag dun, yun lang naman ang gusto ko; na sana may taong magpatunay
sakin na kaparapat-dapat naman ako magustuhan at mahalin. Dahil sa ngayon, yun
ang hindi ko maramdaman. Sa lahat ng naiparamdam kong pagmamahal na hindi
naibalik, walang wala nang natira sakin. Tulad nga ng madalas kong sabihin,
“wasak na wasak” “durog na durog” upos na upos” na ko kumbaga.
Disappointed din ako sa sarili ko kasi pagkatapos ng
lahat ng achievements ko noon, nasaan ba ako ngayon? Don’t get me wrong, mahal
na mahal ko ang ginagawa ko ngayon. Minsan lang naiinggit ako sa mga kasabayan
ko dahil pakiramdam ko napag-iiwanan na ako. Proud na proud sa kanila lahat samantalang
ako eto, nanliliit ako sa sarili ko. Alam kong maraming nag-eexpect na
mabubuhay ako nang bongga. Pero eto po talaga ang totoo, simpleng buhay lang
talaga ang gusto ko. Sobrang simple lang ng kaligayahan ko. Hindi ako dedepende
sa pera. Ako yung mas pipiliin ang gawain na gusto ko talagang gawin.
Nalulungkot lang ako sa expectations na hindi ko maibigay, sa lahat ng
disappointments at frustrations na nararamdaman siguro ng ibang tao sa’kin.
Mas masakit siguro kasi naiisip ko na nabubuhay ako para
sa ibang tao. Madalas, hindi ko talaga iniisip ang sarili ko, aminado ako.
Nagtatalo lang ang pakiramdam na gusto kong mapasaya ang ibang tao pero ang
kagustuhan rin na mapasaya rin naman ang sarili ko. Ang tigas ko po sa labas
pero sobrang lambot ko sa loob. Naiiyak ako minsan kasi alam kong ako pa rin
yung taong alam kong ako. Ako parin naman yung mabait at mas iniisip ang
kapakanan ng iba. Nagmumukha akong masama pero alam kong hindi naman talaga ako
yun. Ewan ko.. L At
sa kabila ng lahat ng naikwento ko dito, hindi ko pa rin talaga alam kung bakit
ako ganito…
No comments:
Post a Comment